Patuloy na hawak ng isang telco ang pagiging ‘Most Reliable Mobile Network’ sa Pilipinas.
Ito’y matapos masungkit ng Globe ang pinakamataas na consistency at availability scores sa third quarter ng taon.
Nabatid na napanatili ng kompanya ang Q2 leadership nito sa pagtamo ng pinakamataas na iskor sa All Technology Consistency na may 82.55 at All Technology Availability na may 92.03, ayon sa third quarter analysis ng Ookla® Speedtest Intelligence® data.
Sinasabing ang consistency score ay kinakalkula base sa percentage ng provider’s data samples na nakatugon sa minimum 5 Mbps threshold para sa mobile download at 1 Mbps para sa upload. Ang Smart at DITO ay nagtala ng 80.82 at 70.40, ayon sa pagkakasunod, sa kategoryang ito.
Samantala, tinutukoy ng availability ang network na ang users ay gumugol ng pinakamataas na percentage ng kanilang oras sa lahat ng teknolohiya at base sa coverage scans na kinuha sa Android devices. Muling nanguna ang Globe laban sa 90.69 at 90.68 ng mga kakumpetensiya.
Napag-alaman na ang ‘reliability’ ay isang mailap na pagkilala sa industriya kung saan ilang telcos lamang sa mundo ang nakakakuha ng nasabing rating. Ito rin ang most-sought after attribute ng network performance na may malinaw na epekto sa customer experience.
“Ookla’s latest data is proof of Globe’s commitment to delivering the most reliable mobile connectivity to its customers across the Philippines, which goes beyond just speed. Only a few mobile operators in the world have managed to attain supremacy in both consistency and availability, which translates to best-in-class experience for our customers,” wika ni Darius Delgado, head ng Consumer Mobile Business ng telco.
Pinaigting ng nangungunang digital solutions platform ang network expansion kaugnay sa commitment nito sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng imprastruktura at inobasyon sa pagpapalago at pagpapaunlad ng ekonomiya.
Para makapaghatid ng #1stWorldNetwork, gumastos ang telco ng unprecedented P92.8 billion noong nakaraang taon para magtayo ng 1,407 bagong towers, i-upgrade ang mahigit 22,300 mobile sites sa 4G/LTE, at magkabit ng 1.4 million fiber-to-the-home lines at 2,000 5G sites sa buong bansa.
Ngayong taong 2022, gumastos din ang Globe ng P50.5 billion sa first half ng taon para sa network upgrades upang matugunan ang lumalaking data requirements ng mga customer nito.