Bilang bahagi ng kampanya laban sa iba’t ibang uri ng panloloko, muling nanawagan ang Globe sa mga customer nito na maging mapagbantay laban sa unwanted messages na kanilang natatanggap mula sa unknown numbers via over-the-top (OTT) media services o chat apps.
Ayon kay Anton Reynaldo Bonifacio, Chief Information Security Officer ng telco, ito ay sa gitna ng mga report ng dumaraming kaso sa harap ng pinahigpit na SMS regulation sa pamamagitan ng SIM Registration Act.
Aniya, ang mga fraudster ay lumipat sa paggamit ng OTT services para makaiwas sa spam filters ng telco network, kung saan marami ang gumagamit ng foreign numbers.
“OTT messages are not SIM-based and do not pass through telco networks. Therefore, we have no control over them. But what Globe can do is once we confirm that an OTT account associated with a Globe number has been used for fraud, we deactivate this SIM. It is important to note that many OTT accounts targeting Philippine mobile users use foreign SIMs, which are outside the scope of Philippine telcos,” sabi ni Bonifacio.
“This is why it is important for customers that use OTT services to be more vigilant. Never engage with chat messages from numbers they do not know, including those making various offers. Please block these numbers and report them to the chat app you’re using,” dagdag niya.
Ang kompanya ay nangunguna sa pagsisikap ng industriya na puksain ang spam at scam messages, kung saan nakikipagtulungan ito sa mga ahensya ng pamahalaan at sa iba’t ibang private sector partners para tuloy-tuloy na mapaigting ang paglaban sa panloloko sa mga lugar na nasa ilalim ng kanilang kontrol.
Kaya bilang bahagi ng kanilang masigasig na proactive spam blocking, ang Globe unang telco na humarang sa lahat ng person-to-person (P2P) SMS na may clickable links sa network nito noong September 2022, isang hakbang na ipinatupad sa buong industriya noong nakaraang buwan ng National Telecommunications Commission.
Noong katapusan ng Setyembre ngayong taon, ito ay nakapag-block ng kabuuang 2.59 billion spam at scam messages, nag-deactivate ng 4,733 SIMs, at nag-blacklist ng150,287 na konektado sa SMS fraud. Nagde-deactivate din ito ng SIMS mula sa kanilang sariling network na konektado sa panloloko at hinaharang ang mga numero mula sa ibang networks para pigilan ang mga ito sa pagpapadala ng SMS sa Globe SIMs.
Ang Globe ay nagpapatakbo rin ng isang 24/7 Security Operations Center para salain ang unwanted messages mula sa international at local numbers. Nag-invest ang telco ng kabuuang $20 million para palakasin ang kanilang spam at scam SMS detection at blocking mechanisms.
Hinihikayat ng kompanya ang kanilang mga customer na i-activate ang spam filters sa kanilang mga device at i-report din ang unwanted SMS via #StopSpam portal ng network.