Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunications company na magbigay ng libreng tawag at free charging stations sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol.
Ito’y batay sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kung saan inatasan nito si Director Mildado Lee ng NTC Cordillera Administrative Region na i-monitor at tiyaking susunod ang mga telco sa kautusan.
“As earlier discussed, you are hereby directed to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging Stations in strategic areas affected by the earthquake in Abra,” saad sa memorandum.
Kasabay nito, inatasan din ang mga telco na magsumite ng kanilang compliance report sa NTC hanggang sa Agosto 10.
Bunga naman ng malakas na pagyanig, may mga lugar na nakaranas ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente.