Natutupad na umano ng mga Telecommunication Company o TELCOS ang kanilang pangako kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang serbisyo ng internet sa bansa.
Ito’y makaraang lumabas sa pinakabagong Ookla Speed Test ang pagtaas ng fixed broadband speed sa 66.55 megabytes per second (mbps) mula sa 58 73 mbps noong buwan ng Mayo.
Maliban diyan, tumaas din ang mobile speed ng 32. 84 mbps average download speed o 2.72 percent monthly increase mula sa 31.97 mbps noong nakalipas na buwan.
Magugunitang nagbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa kaniyang naging State of the Nation Address noong isang taon sa mga TELCO na pabilisin ang kanilang serbisyo ng internet o ipasasara niya ang mga ito.
Idamay pa riyan ang utos ng pangulo sa mga lokal na pamahalaan na luwagan ang proseso sa pagpapalabas ng mga permit upang makapagtayo ng imprastraktura tulad ng cell towers at fiber optic networks.