Inatasan ng National Telecommunications Commission o NTC ang mga telecommunications companies o TELCOs na maging handa sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Batay sa memorandum na ipinalabas ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, binanggit na dapat magtalaga ang mga telcos ng Libreng Tawag at Charging Stations sa mga evacuation centers ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.
Bukod sa sapat na bilang ng technical at support personnel ng mga TELCOs, pinatitiyak din ng NTC na mayroong naka-standby na generators at iba pang kagamitan sa mga apektadong lugar.
Kasabay nito, nagpaalala rin si Cordova sa mga TELCOs na mahalagang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ukol sa pinaiiral na health and safety protocols.