Malaking bahagi ng new normal ang industriya ng telecommunication sa harap ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Undersecretary Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nangyayari na ngayon ang isinusulong nilang work-from-home at school-from-home –tatlong taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni Rio na siguradong hindi kakayanin ng sektor ng paggawa ang work-from-home na ginagawa ngayon kung nangyari ang COVID-19 pandemic sa nagdaang dalawang taon.
Mas magiging episyente pa anya ang work-from-home scheme sa sandaling mag-operate na ang ikatlong telco sa bansa.
3 years ago na iyon, at dahil sa advocacy na iyon, nagkaroon tayo ng telecommuting law –nagpagana ng pag-connect ng mga bahay, mga establishment sa internet, kaya gumanda-ganda na ang ating mga Wi-Fi sa mga bahay dahil doon sa telecommuting law na ‘yan. Kaya nakahanda tayo para sa COVID crisis na ito. Kung ito ay nangyari 2 or 3 years ago, talagang hindi kaya ng ating imprastraktura,” ani Rio. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas