Dapat na bigyan pa ng pagkakataon ang mas malawak na pagpapatupad ng Republic Act 11165 o An Act Institutionalizing Telecommuting as an Alternative Work Arrangement for Employees in the Private Sector “Telecommuting Act”.
Ayon ito kay Senador Joel Villanueva, pangunahing may akda at sponsor ng nasabing batas sa gitna na rin ng mga panukalang amiyenda hinggil dito.
Sinabi ni Villanueva na kailangang mapag-aralan ang panukalang gawing mandatory ang application ng nasabing batas gayung hindi naman lahat ay uubrang mag work-from-home.
Bukod dito binigyang diin ni Villanueva na hindi lahat ng employers ay mayruong kapasidad na maisulong ang work-from-home arrangements.