Mas pinagtutuunan na ng pansin ng gobyerno ang telemedicine at telehealth services.
Sa gitna ito ng pagdami ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung saan karamihan ay mayroong mild sysmptoms at naka-isolate sa tahanan.
Ayon kay acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Alexei Nograles, mas malaki ang demand sa telemedicine at telehealth dahil pinili ng karamihan sa mga fully vaccinated at tinamaan ng virus na mag-isolate na lamang sa tahanan.
Sa tanong naman kung bakit hindi pa namamahagi ng home care kits ang gobyerno na naglalaman ng gamot at vitamins, sinabi ni Nograles na ito ay para dalhin ang mga infected sa ospital at isolation facilities.
Maliban sa national government, naghahanda na rin ngayon ng gamot ang ilang lokal na pamahalaan para sa kanilang nasasakupan. —sa panulat ni Abigail Malanday