Maaari pa umanong maging mga blogger ang tema ng operasyon kung saan pwedeng ipagpatuloy ng Rappler ang pagko-cover sa mga aktibidad ng Malakanyang.
Ito ang ipinabatid ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang kanselahin ng Securities and Exchange Commission o SEC ang certificate of registration ng naturang online news site.
Ayon kay Roque, malinaw sa naging desisyon ng SEC na hindi na maaaring magpatuloy bilang media firm ang Rappler.
Gayunpaman sinabi ni Roque na maaari silang maging blogger ngunit kinakailangan muna nilang kumuha ng accreditation sa tanggapan ni Assistant Secretary Mocha Uson na nakatalagang pangasiwaan ang social media affairs ng administrasyon.
Magugunitang inihirit noon ni Uson na ilagay sa kategoriya ang Rappler bilang isang social media entity.