Muli na namang naranasan ang napakalamig na klima sa Baguio City kaninang umaga.
Base sa tala ng PAGASA synoptic division, pumalo sa 11.2 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang 6:00 ng umaga.
Dahil dito ay muling nag paalala ang mga opisyal sa mga nasa lungsod na magsuot ng makakapal na damit, bonnet at scarf bilang panangga sa lamig.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakaranas din ng malamig na klima ang baguio nang nakapagtala ng 11.4 degrees celsius na temperatura.