Bumaba sa 11.2 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang umaga.
Ito, ayon kay PAGASA Weather Observer Efren Dalipog, ay mula sa 11.5 degrees celsius kahapon.
Gayunpaman, mas malamig pa rin sa Mount Santo Tomas sa Tuba, Benguet kung saan sumadsad sa 9.5 degrees celsius ang temperatura doon.
Mount Santo Tomas ang pinakamataas na bahagi sa Baguio.
By Avee Devierte