Bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City dakong alas-5:00 ng umaga ngayong Martes.
Ayon sa PAGASA Baguio Synoptic Station, ito na ang pinakamababang temperatura ng Baguio City ngayong Enero kasunod ng 12 degrees Celsius na naitala noong January 15.
Samantala, noong January 19, 1961 naman naitala ang pinakamababang temperatura sa sa kasaysayan ng Baguio City na umabot sa 6.3 degrees Celsius.
—-