Magpapatuloy pa ang malamig na temperaturang nararanasan ng mga residente sa Baguio City.
Ayon sa PAGASA, posibleng maitala ang 12°C na temperatura sa Baguio ngayong Martes, Dcember 10.
Kahapon, Lunes, December 9, naitala naman ang 11.8°C na temperatura sa Baguio —pinakamalamig na naitala sa bansa mula nang pumasok ang Amihan season ngayong taon.
Samantala, posible ring makaranas ng 20°C hanggang 28°C ang Tagaytay, habang 23°C hanggang 30°C ang maaaring maramdaman sa Metro Manila ngayong Martes.
REGIONAL WEATHER FORECAST for #NCR_PRSD
Issued at: 5:00 AM, 10 December 2019
Valid Beginning: 5:00 AM – 5:00 PM today
https://t.co/ybJTTF5X0f pic.twitter.com/WBWN3j2Usq— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) December 9, 2019