Nakapagtala ang Cotabato City ng pinakamainit na temperatura kahapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, rumehistro sa 36.1 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon ng tanghali.
Pumapalo naman sa 35.9 degrees celsius ang pinakamainit na temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro habang 35.7 degrees Celsius naman sa Subic, Olongapo.
Samantala, 34. 6 degrees celsisus ang pinakamataas na temperaturang naitala ng Science Garden ng PAGASA at ito ay naramdaman sa Quezon City, mag-aalas-4:00 kahapon.
Kasabay nito, ipinabatid ng PAGASA na muling bumalik ang northeast monsoon o hanging amihan na nakakaapekto sa Northern Luzon habang easterlies naman ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa.
—-