Inalis na ng Department of Agriculture o D.A. ang temporary ban para sa pag-aangkat ng mga buhay na kambing mula sa Estados Unidos.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., matapos matiyak na hindi malaking banta sa kalusugan ng publiko ang Q fever ay binawi na rin nila ang kautusan.
Samantala, hinigpitan naman ng Bureau of Animal Industry o BAI ang hakbang kontra Q fever kabilang na ang pagsasaayos ng ‘pre-border measures,’ upang matiyak na hindi kakalat ang sakit sa bansa.
Matatandaang nagpatupad ang D.A. nang temporary ban mula sa nasabing bansa ng madiskubre na mayroong Q fever ang ilang imported na kambing na naging dahilan para patayin ng b-a-i ang mahigit limang dosenang kambing. - sa panulat ni Alyssa Quevedo