Isinusulong ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng temporary evacuation center para sa mga biktima ng Bulkang Taal.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa halip na temporary learning space ang gawin ay dapat mga temporary evacuation center para mapaglipatan ng mga evacuees.
Aniya, ito ay para muli nang makabalik sa pag-aaral ang may 10,000 mga apektadong estudyante sa rehiyon 4A o CALABARZON Region palamang.
Para hindi na palipat-lipat na naman yung mga bata kasi kapag mag-settle down ng mga bagay-bagay, kumalma na si Taal sa kanyang alburuto, malaking migration na naman, parang exodus,” ani Briones.
Katwiran ni briones, sinasabi sa batas na hindi maaring gamiting evacuation centers ang mga pampublikong eskwelahan o kung sakali man na magamit ay mayroon lamang 15 araw para hindi maapektuhan ang mga mag aaral.
Gagamitin lamang kung wala na talaga, only as the last resort kung wala na talaga mapuntahan pero merong limit dito,” ani Briones. — panayam mula sa Teka Teka (alas 4:30 na!)