Magpapatupad ng temporary import ban sa mga karne ng baboy mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng Cebu.
Ayon sa kautusan na ipinalabas ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, isa itong pre-emptive measure kahit wala pang outbreak ng ASF sa bansa.
Aniya, kailangang maprotektahan ang industriya ng hog raising sa lalawigan kaya ito inilabas.
Nakapaloob din sa kautusan ang contingency plan at ang pagbuo ng isang task force na tututok sa ASF.
Matatandaang ang lalawigan ng Cebu ang ika-apat na probinysa na may pinakamalaking produksyon ng karne ng baboy sa buong bansa.