Inihahanda na ang lupang pagtatayuan ng temporary resettlement area para sa mga biktima ng Marawi Siege.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. General Restituto Padilla, ito ay bahagi ng early recovery phase ng pamahalaan para sa mabilis na pagbangon ng mga apektadong mamamayan ng kaguluhan sa Marawi City at mga karatig lugar.
Sinabi ni Padilla na lalarga ang full recovery program ng pamahalaan sa oras na tumigil ang bakbakan sa lungsod.
“So, who are involved? Those involved are agencies who will be task to prepare a ground for the building of that resettlement area, temporary resettlement area.”
“Initially, these would be a tent city but government is a, with due respect to the practices of our Muslim brothers and sisters, we would like to provide better living conditions in this resettlement areas.”
“So, we were working on that.”
Duterte walang deadline
Walang ibinibigay na deadline si Pangulong Rordigo Duterte para tapusin ang bakbakan sa Marawi City.
Ito ang nilinaw ngayon ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla sa harap ng nalalapit na SONA o State of the Nation Address ng Pangulo sa Hulyo 24.
Ayon kay Padilla, ang tanging direktiba ng Pangulo sa militar ay gawin ang lahat upang matapos ang kaguluhan sa Marawi para sa kapakanan ng mga residente at hindi para ihabol ito sa SONA.
“Mangyayari po pagka-naghahabol tayo, baka maging padalos-dalos tayo mas madaming buhay na mabu-buwis.”
“Kaya, ‘yun po ang ating binabanggit simula’t sapul pa po noong araw na kailangan maging maingat kasi maselan itong operasyon na ‘to.”
By Ralph Obina