Opisyal ng nagsimula ang temporary shutdown ng isla ng Boracay, sa Aklan, alas-12:01 kaninang hatinggabi.
Ayon kay Police Regional Office 6 Director, Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, kontrolado nila ang sitwasyon sa buong isla kung saan mahigit 600 pulis at sundalo ang idineploy bilang bahagi ng security measures.
Paiiralin din aniya nila ang maximum tolerance sa Boracay at titiyaking magiging maayos ang pagpapatupad ng anim na buwang closure.
Kahapon ay nagsagawa ng security drill sa isla na layuning subukin ang kapabilidad ng gobyerno na rumesponde sa anumang banta.
—-