Posible nang alisin ng Department of Labor And Employment ang temporary suspension sa deployment ng Overseas Filipino Workers sa Israel.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang desisyon ay batay sa kanilang assessment na ligtas na muling magpadala ng mga pinoy sa Israel partikular ng mga caregivers at hotel workers.
Sinabi pa ni Bello na makikipag-ugnayan siya sa Department of Foreign Affairs bago pagdesisyunan ang bagay na ito.
Inatasan na rin niya ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maghanda na para sa pag-poproseso sa mga dokumento ng mga OFWS.
Noong Mayo nang pansamantalang itinigil ng gobyerno ang pagpapadala ng OFWS sa Israel dahil sa pagsiklab ng tensyon sa pagitan ng militar ng Israel at Gaza militants. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico