Muling umarangkada ang Tennis Legend na si Serena Williams sa nagpapatuloy na US Open matapos na pataubin ang World’s number 2 na si Anett Kontaveit ng Estonia sa score na 7-6, 2-6, 6-2.
Matatandaan na nitong nakalipas lamang na Lunes nang talunin ng 40 anyos na player ang World’s number 80 na si Danka Kovinic.
Mababatid na sunod na makakalaban ni Williams sa third-round match ang pambato ng Australia na si Ajla Tomljanovic, na World’s 46th-ranked player.
Samantala, bago ito ay maglalaro muna siya ng doubles match, ka-tandem ang kanyang kapatid na si Venus Williams.