Pasok na sa second round si Tennis Legend Serena Williams matapos na maka-buwenamano ng panalo sa pagsisimula ng US Open sa New York.
Dinomina ng isa sa “greatest tennis players of all time” ang opening-round match matapos pataubin ang pambato ng Montenegro na si Danka Kovinić sa score na 6-3, 6-3.
Mababatid na sa career record ni Williams, 23 beses na niyang nasungkit ang kampeonato sa Grand Slam tournaments.
Samantala, makakaharap naman ng 40 anyos na manlalaro ang World’s no. 2 na si Anett Kontaveit sa second-round matchup na gaganapin sa Huwebes.