Nangako si tennis star Andy Murray na mabibigay ito ng 50 Pounds o katumbas ng mahigit 77 dollars sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa bawat magagawa niyang aces sa laban ngayong taon.
Ayon kay Murray ito ay para makatulong siya sa mga refugee na dumadagsa ngayon sa Europa.
Kwento ni Murray, kanyang nakita sa telebisyon ang kalagayan ng mga migrante at kanya aniyang naramdaman na may dapat siyang gawin upang tulungan ang mga ito.
Dahil dito, mas makabuluhan at masarap aniya sa pakiramdam ang bawat aces nito dahil sa batid niyang marami siyang batang matutulungan upang maging ligtas ang mga ito.
Matatandaang noong US Open, nakapagtala ang Briton na si Murray ng 60 aces.
By: Ralph Obina