Pasok na ang Russian tennis player na si Maria Sharapova sa quarter finals ng Wimbeldon Open.
Ito’y makaraang pataubin ang katunggaling si Zarina Diyas ng Kazakhstan sa score na 6-4, 6-4 sa loob ng 97 minuto.
Dahil dito, sunod na haharapin ng Russian Fourth Seed ang 23-anyos na American tennis player na si Coco Vandeweghe.
Samantala, makakaharap naman ng Five-Time Wimbeldon Champion na si Serena williams sa susunod na round ang Two-Time Australian Open Winner Victoria Azarenka.
Ito’y matapos namang talunin ni Azarenka ang Swiss tennis player na si Belinda Bencic sa Score na 6-2, 6-3.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: theguardian.com