Opisyal nang umatras si tennis star Novak Djokovic sa paglalaro sa US Open.
Inanunsiyo ng 21-grand slam champion sa kanyang social media ang kanyang desisyon.
Ayon sa tennis star isa sa dahilan ng kanyang pag-atras ang hindi pa siya naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.
Mababatid na nakasaad sa US ruling na ang mga non-US citizens ay bawal pumasok sa bansa kung hindi bakunado laban sa nasabing sakit.
Samantala, kinumpirma rin ni US Open tournament director Stacey Allaster ang hindi paglahok ng Serbian tennis player, bagama’t umaasa aniya sila na makasama na si Djokovic sa susunod na taon.