Pinatawan ng dalawang taong suspensyon ng International Tennis Federation (ITF) ang tennis superstar na si Maria Sharapova sa paglalaro ng professional tennis.
Ang suspension ay bunsod ng pagpositibo si Sharapova sa paggamit ng banned substance na ‘meldonium’ noong unang bahagi ng taon.
Una rito, isinailalim na sa provisional suspension si Sharapova noong March nang ianunsyo nito sa isang news conference na bumagsak siya sa doping test.
Giit ni Sharapova, hindi niya alam na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency sa mga atleta na gumamit ng meldonium o mildronate.
Kanya aniyang ginagamit ang naturang gamot na gawa sa latvia para sa kanyang heart condition.
Iaapela naman ng kampo ni Sharapova ang desisyon ng ITF.
By Mariboy Ysibido