Hindi na lalaban sa Miami Open ang Russian Tennis Star Player na si Maria Sharapova na nakatakdang ganapin sa march 21 hanggang april 1.
Ito ay dahil sa natamong injury ni Sharapova sa kaniyang kaliwang kamay.
Gayunman tiniyak ng kampo ni Sharapova na magbabalik agad sa torneo ang Russian Tennis Star Player oras na gumaling na ang injury nito.
Isinagawa naman ang nasabing anunsiyo matapos matalo si Sharapova sa BNP Paribas Open noong nakaraang linggo.
Samantala, bukod kay Sharapova umatras na rin sa torneo sina Rafael Nadal, Stan Wawrinka at Dominic Thiem.