Tuloy tuloy ang pagsungkit ng panalo ni top seed Novak Djokovic sa China Open.
Ito ay makaraang walang kahirap hirap na tinalo ni Djokovic ang kalabang si Zhang Ze ng China sa iskor na 6-2 , 6-1.
Dahil dito, hawak na ni Djokovic ang ikalawang longest unbeaten record sa mga nagdaang ATP tournament matapos makuha ang 26 na sunod niyang panalo.
Siya ay susumusunod lamang kay Spanish tennis star Rafael Nadal na mayroong 31 sunud sunod na panalo na nakuha nito sa French open at Roland Garros.
Samantala, makakaharap naman sa quarterfinals ni Djokovic ang American tennis player na si John Isner.
By: Ralph Obina