Tuluyan nang ipinadeport ng Australia ang tennis superstar na si Novak Djokovic matapos mabigo sa kanyang Legal Battle hinggil sa desisyon na kanselahin ang kanyang Visa dahil sa kawalan ng bakuna kontra COVID-19.
Unanimous ang ruling ng 3 hukom ng Victoria Federal Court dahilan upang maputol ang pangarap ng Serbian player na sungkitin ang kanyang 21st grandslam win sa Australian Open na lalarga ngayong araw.
Ineskortehan ng mga immigration police si Djokovic sa Melbourne International Airport bago sumakay ng Emirates Flight patungong Dubai.
Bagaman aminado ang world’s number 1 tennis player ng men’s division na dismayado siya sa pasya ng korte, kanya itong igagalang.
Samantala, nanindigan ang Australian government na hindi nila maaaring kunsintihin si Djokovic na hindi bakunado dahil magiging malaki ang epekto nito sa sentimyento ng mga Australyano.