Nalaglag sa Top 10 ng ATP rankings ang mga Tennis Superstar na sina Andy Murray at Novak Djokovic.
Bumagsak sa ika-12 puwesto si Djokovic mula sa dating ika-pitong puwesto.
Dahil sa kanyang elbow injury, huling naglaro ang Serbian tennis star noong Wimbledon Quarterfinals, kung saan ay sumuko ito sa laban kontra kay Tomas Berdych.
Samantalang si Andy Murray naman ay nakuntento na lamang sa ika-16 na puwesto.
Ito ay dahil sa kabiguan ni Murray na maglaro simula pa noong Hulyo dahil sa iniinda nitong hip injury.
Ito ang unang pagkakataon sa mahabang panahon na nawala sa Top 10 ng ATP rankings sina Djokovic at Murray.