Inaasahang magpapataas na naman ng tensyon ang pagsisimula ng isang linggong military drill ng China sa South China Sea ngayong araw na ito.
Tatagal ang military drill hanggang July 11, isang araw bago ang paglabas ng desisyon ng International Tribunal sa inihaing reklamo ng Pilipinas laban sa China sa July 12.
Ang pagsasanay ay isasagawa sa paligid ng mga nilikhang isla ng China sa West Philippine Sea.
Sinasabing ipagbabawal ng China ang pagpasok ng kahit anong sasakyang pandagat sa naturang lugar habang isinasagawa nila ang military drill.
By Len Aguirre
Photo: Screengrab from Scott Kelly's Twitter account