Tumitindi ang tensyon sa Baltic Region sa Europa makaraang magpadala ng halos 7,000 sundalo ang Amerika, Britanya, Canada at Germany.
Ito’y upang mapawi ang pangamba ng NATO allies sa lumalawak na military presence ng Russia sa eastern Europe partikular sa Ukraine at Belarus.
Idineploy ang 4,000 sundalong Amerikano sa Poland habang ipinadala ang tig-1,000 British, Canadian at German soldiers sa Latvia, Estonia at Lithuania.
Pinalagan naman ng Russian government ang pagdating ng NATO Allied Forces sa Baltic Region at tinawag na banta sa seguridad ng Russia.
Ang pagdating ng US at NATO Allied Forces sa eastern Europe ay inilunsad ilang araw bago ang inagurasyon ni US President-elect Donald Trump na bukas naman sa posibleng panunumbalik ng magandang relasyon ng Amerika at Russia.
By Drew Nacino
Photo Credit: EPA