Patuloy na umiinit ang tensyon sa pagitan ng China at India sa gitna ng dalawang buwang standoff sa pinag-aagawang Doklam area na nasa boundary ng dalawang bansa.
Pinangangambahang mauwi sa kaguluhan o digmaan ang patuloy na pagdating ng karagdagang puwersa mula sa magkabilang panig.
Kabilang sa mga namataan ang mga tangke, artillery at air defense units sa Tibet Military District ng People’s Liberation Army ng Tsina.
Kapwa hindi umaatras ang Indian at Chinese army sa pinag-aagawang teritoryo kaya’t posibleng tumagal ang border dispute.
By Drew Nacino