Umaasa si Senate President Franklin Drilon na magiging daan para maibsan na ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ang ipinalabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration.
Ayon kay Drilon, klaro na ngayon ang claim ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Susundin aniya ng bansa ang ipinalabas na ruling at sana ay sundin din ito ng china bilang isa sa mga party sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Nanawagan pa si Drilon sa iba pang bansa na irespeto ang nabanggit na ruling at tumulong na manaig ang rule of law.
Hangad din ni Drilon na ang naturang desisyon ay maging daan para muling gumanda ang relasyon ng Pilipinas at China at mabalik na ang goodwill sa mga bansa sa ASEAN Region.
Giit pa ng Senador, maaari na ngayong kumilos ang ASEAN at China para isapinal ang Code of Conduct para matiyak ang kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea.
By: Meann Tanbio