Nagresulta sa pagkaantala sa pagbiyahe ng mahigit 90,000 vote counting machines sa iba’t ibang polling places ang nangyaring tensyon sa Cotabato City.
Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interior minister attorney Naguib Sinarimbo, nagsimula ang tensyon sa pagitan ng Cotabato City Police na tumangging sumama o mag-escort sa election officer na magde-deliver ng VCMs sa mga presinto nitong Sabado ng hapon.
Samantala, nakatakdang sumailalim ngayong linggo sa final testing and sealing ang mga VCM para sa gaganaping eleksyon bukas.