Patay ang 4 na sundalo mula sa India at 3 rebelde sa sagupaan ng 2 kampo sa Kashmir.
Batay sa impormasyon mula sa tagapagsalita ng Indian Defence Ministry, napansin ng nagpapatrolyang mga sundalo ang kahinahinalang pagkilos sa border ng Kashmir na naghahati sa teritoryo ng India at Pakistan.
Dahil dito nagpadala pa ng karagdagang tropa at dito na naganap ang palitan ng putok sa mga rebelde.
Inakusahan naman ng India ang Pakistan na nagsasanay umano ng mga rebelde para atakihin ang kanilang sundalo na mariing itinanggi naman ng nasabing bansa.
Nahahati sa India at Pakistan ang Kashmir, ngunit kapwa nito inaangkin ang buong rehiyon dahilan sa patuloy pa ring tensyon ng 2 bansa.