Muling uminit ang tensyon sa pagitan ng Japan at China.
Ito’y makaraang lumipad malapit sa airspace ng Japan sa Okinawa at Miyako Islands ang 8 Chinese military aircraft.
Ang mga nasabing aircraft ay kinabibilangan ng mga strategic bomber kaya’t agad ding nagpalipad ng mga military plane ang Japanese self-defense force.
Gayunman, nilinaw ng Chinese Air Force na nagsasagawa lamang sila ng drill sa Western Pacific at hindi naman pumasok sa airspace ng Japan.
Bagaman wala pang komento ang Japanese Defense Ministry, nagtataka ang ilang defense analyst sa layunin ng China na magpalipad ng maraming aircraft malapit sa airspace ng Japan.
By: Drew Nacino