Nagbabala ang Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin sa posibilidad na mauwi sa malaking sagupaan ang tensyon sa pagitan ng North Korea at Amerika.
Dagdag pa ni Putin, maling banggain ang nuclear missile program ng Pyongyang.
Kasabay nito, iminungkahi ng lider ng Russia na daanin na lamang sa masinsinang usapan ang nasabing hindi pagkakaintindihan ng dalawang bansa upang humupa ang tensyon.
Ayon naman sa foreign minister ng Russia na si Sergei Lavrov, dapat ang Amerika ang unang gumawa ng hakbang kung magkakaroon man ng dayalogo.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbanta ang NoKor na aatakihin ang Guam na teritoryo din ng Amerika ngunit hindi ito itinuloy.