Muling sumiklab ang girian sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan sa sea boundary ng dalawang bansa.
Kinumpirma ng Philippine Navy na naganap ang insidente noong isang linggo kung saan isang Taiwanese Coast Guard patrol vessel ang nakagirian ng Philippine Coast Guard (PCG).
Prinotektahan umano ng Taiwanese Coast Guard ang isang Taiwanese fishing boat at ineskortehan pabalik sa ligtas na lugar matapos sitahin ng mga kawani ng PCG.
Itinigil lamang ng vessel ng PCG ang pagtugis sa Taiwanese fishing boat nang sumulpot ang malaking vessel ng Taiwanese Coast Guard.
Magugunitang naglatag si Taiwanese President Ma Ying-Jeou ng peace deal upang maresolba ang territorial dispute sa West Philippine Sea.
By Drew Nacino