Muling nagpadala ng mga fighter jet ang Taiwan upang bugawin ang nasa 20 Chinese aircraft sa air defense zone nito.
Ito na ang ikalawang sunod na beses na sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China ngayong linggo.
Kabilang sa mga pinadala ng China sa Taiwanese airspace ang ilang J-17 fighter aircraft mga fighter-bomber.
Ayon sa Taiwanese Defense Ministry, lumapit din ang mga Chinese aircraft sa Bashi channel, na nagsisilbing boundary ng Taiwan at Pilipinas sa pacific ocean.
Agad namang ikinasa ng Taiwan ang mga missile nito pero mabilis na nakaalis ang mga Chinese aircraft.
Una nang nagbabala ang Chinese Defense Ministry na hahantong sa digmaan kung ipipilit ng Taiwan na humiwalay sa China.