Walang balak ang Malacañang na palalain ang tensyon sa pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma kasunod ng napabalitang girian ng isang US spy plane at Chinese forces sa Fiery Cross Reef sa Spratly Islands.
Ayon kay Coloma, alam nila ang reyalidad na may tensyon sa West Philippine Sea dahil sa ayaw papigil na reclamation at paggigiit ng China sa 9-dash line, sa kabila ng isinasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Binigyang-diin ni Coloma na pursigido sila na isulong ang posisyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na International Law.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)