Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Anti-APEC protesters at mga pulis makaraang ipagpilitan ng mga militante na makalusot patungo ng Roxas Boulevard malapit sa PICC kung saan ginaganap ang APEC Summit.
Tinatayang nasa 10 militante ang nasugatan matapos makipaggitgitan sa mga pulis at mapukpok ng shield sa mukha at iba pang parte ng kanilang katawan.
Sinubukan ng mga militante na makatawid patungo ng Roxas Blvd mula sa Buendia subalit doon ay binomba na sila ng tubig mula sa dalawang nakaabang na firetrucks.
By Len Aguirre | Aya Yupangco (Patrol 5)