Nagkabarilan di umano ang mga supporters ng dalawang pamilyang magkatunggali sa Barangay Pangot lagayan sa lalawigan ng Abra.
Bagamat wala pang kumpirmasyon, sinabi ni Atty. Mae Richelle Belmes -Barolla , Abra election supervisor na batay sa natanggap nyang text message, isang botante ang di umano’y nasawi sa insidente.
Sinasabing ang nagkabarilan ay mga supporters nina mayoralty candidates Jodel Crisologo at Jendrick Luna.
By Len Aguirre