Naitayo na ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang tent city sa Lanao del Norte para sa mga nagsilikas na residente mula sa Marawi City.
Dalawandaang (200) pamilya mula sa Arabic school sa lugar ang makikinabang sa itinayong mga tent city na may kumpletong pasilidad tulad ng palikuran, kusina at labahan.
Ayon kay DSWD Northern Mindanao Spokesperson Oliver Inodeo, magbubukas na kasi sa susunod na buwan ang klase sa Arabic schools kaya’t kinakailangang ilipat ang mga residenteng pansamantalang lumikas doon.
Pero pagtitiyak ni Inodeo, madaragdagan pa ang mga itinayo nilang tent ngayong buwan para sa may isanlibo dalawandaang (1,200) pamilyang bakwit mula sa Marawi.
By Jaymark Dagala
Tent city sa Lanao del Norte naitayo na ng DSWD was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882