Tinapyasan pa ng Commission on Elections ang listahan ng mga presidential aspirant sa May 9, 2022 Polls.
Mula sa 97, 10 na lamang ang nalalabing kandidato sa pagka-pangulo makaraang ilaglag ng comelec sa listahan ang independent candidate na si Gerald Arcega.
Pasok sa listahan sina dating presidential spokesman Ernesto Abella, labor leader Leody De Guzman, manila mayor Isko Moreno, dating defense secretary Norberto Gonzales;
Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao, Faisal Mangondato, Jose Montemayor, dating senator Bongbong Marcos at vice president Leni Robredo.
Siyam naman ang nananatili sa vice presidential race habang 64 ang tumatakbo sa pagka-senador.
Samantala, wala pang anunsyo ang poll body kung kailan ilalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato.