Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior si Teodoro Locsin Jr. Bilang ambassador sa United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.
Kinumpirma ito ng office of the secretary ngayong araw sa pamamagitan ng liham na may petsang August 30.
Alinsunod ang pagkakatalaga sa Section 16, Article 7 ng 1987 Constitution at iba pang batas kung saan magkakaroon ng hurisdiksyon si Locsin sa Ireland, Isle (Ayl) of Man, Bailiwick (Bey-Li-Wik) of Jersey, at Bailiwick Of Guernsey (Gern-Sey).
Nakasaad din sa liham ang sahod na ibibigay kay Locsin bilang isang Chief of Mission, Class 1.
Bago maitalaga bilang ambassador, naglingkod muna si Locsin bilang Chief ng Department Of Foreign Affairs sa ilalim ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.