Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na patuloy na po-protektahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular na ang Northern Luzon Command ang teritoryo ng bansa.
Ito ang inihayag ni Defense Sec. Delfiin Lorenzana kasunod ng napaulat na presensya ng Chinese Research Ship sa Scarborough o Panatag Shoal na sakop ng West Philippine Sea
Ayon kay Lorenzana, nakabatay ang susunod nilang hakbang sa mga makukuhang impormasyon mula sa mga nagsasagawa ng maritime patrol sa lugar
Buo aniya ang suporta ng AFP sa Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa seguridad at ipatupad ang batas kaugnay sa karagatang sakop ng Pilipinas gayundin ang Exclusive Economic Zone nito.
Una rito, iniulat ni US Naval War College Assistant professor Ryan Martinson na namataang nag-o-operate sa karagatang sakop ng Zambales ang Chinese research ship na Hai Da Hao kamakalawa.