Inalis sa proposed revision ng 1987 Constitution na inirekomenda ng house Committee on Constitutional Amendments ang probisyon ng political dynasty at term limits ng mga elected public official.
Taliwas ito sa rekomendasyon ng Consultative Committee na nagsagawa ng review sa konstitusyon sa pangunguna ni dating Chief Justice Reynato Puno.
Sa resolution 15 na isinumite noong Oktubre 2 sa plenaryo, tinanggal din ang probisyon kontra sa pagpapalit ng political party sa halip ay nilimitahan ang bilang ng mga partido sa pamamagitan ng pagpapatupad ng two-party system.
Hindi rin pinagbabawalan ang mga senador, kongresista at local government official na muling sumabak sa eleksyon.
Gayunman, sa panukala ng Con-Com ay nilimitahan ang mga mambabatas na magkaroon lamang ng isang termino o katumbas ng apat na taon at hindi papayagan ang mahigit dalawang terminong magkasunod.
—-