Opisyal nang ibinasura ng National People’s Congress ng China ang paglilimita sa termino ng panunungkulan ng nakaupong pangulo ng kanilang bansa.
Ang pag-aamyenda sa termino ay nagbabalewala sa sistema noong 1982 kung saan ipinaiiral ang two term limit ng dating lider upang maiwasan ang muling panunumbalik ng madugong diktaturya ni Mao Zedong noong 1966-1976.
Dahil dito, magbibigay daan na ito para manatili si President Xi Jinping sa puwesto.
Samantala, nangangamba naman ang ilang grupo sa pagpapalawig pa ng termino ni Xi na sinasabing bunga umano ng pagsusumikap ng Pangulo upang masarili ang kapangyarihan sa bansa.
—-