Maituturing na unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang term-sharing deal sa House speakership.
Dahil dito, ayon kay Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reform, dapat ipagpatuloy na lamang ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang kanyang pamumuno.
Hindi aniya akma o praktikal ang “gentlemen’s agreement” sa ilalim ng demokratikong bansa.
Bukod pa rito, bigyang diin ni Casiple na hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato ng Kamara dahil nagiging dahilan tuloy ito upang mabitin ang deliberasyon ng panukalang 2021 national budget.